Hindi itinatago ni Ana Feleo ang nararamdamang lungkot na magtatapos na ang kanilang epicserye na Amaya.
Si Ana ang gumaganap sa role ni Bayang, at isa rin siya sa mapalad na character na mula umpisa hanggang sa wakas ay naging bahagi ng matagumpay na primetime series na ito ng GMA-7.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana sa taping ng Amaya nuong Biyernes, January 6, sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay Ana, "Oo nga e, nakakalungkot na talaga, sobra. Kasi, yung friendship na nabuo namin dito, yung routine na Pagsanjan, yung Pagsanjan—Cubao na lang sa amin.
"Morong, Bataan, Calatagan—parang kina-Quiapo na lang namin. Pagod, pero, ang sarap kasi ng samahan."
First taping pa lang daw ng Amaya ay nandoon na siya kaya hindi maitatangging na-attached daw talaga siya sa mga kasamahan, sa staff, at sa show mismo.
Kuwento pa niya, "Kahapon nga, naglalakad ako sa Pagsanjan, after ng take, sabi ko, 'Mami-miss ko 'to, mami-miss ko 'to!'
"Grabe! Pati yung growth. Kasi, ito yung first ko na soap na full.
"Usually, sa ibang channel, nag-guesting lang, five weeks, six weeks. Ito lang talaga yun, wow, bonding talaga.
"Tapos yun nga, naging close ko si Yanyan—si Marian Rivera—si Roxanne Barcelo, si Sheena Halili.
"Talagang ang hirap. Hindi kami makapaniwala na last two days na lang, sa Monday at Tuesday na lang.
"Lahat kami, 'O, saan ang taping mo? Bibisitahin kita, bisitahin mo ko, ganyan.' Kahit si Yanyan."
Madalas kasi, kapag tapos na ang isang show, ito na rin ang katapusan ng closeness ng cast, dahil iba-iba na ang mga projects na gagawin nila.
Ang sabi ni Ana, "Nagbibiruan ng ganoon. Na matapos lang ang Amaya, hindi na magpapakita.
"Pero sabi ko, hindi. Pati si YanYan, nagbibiro ng, 'Hindi niyo na ko kikitain.'




0

